4am na akong nakadating sa bahay namin mula pa sa Maynila. Nagmamadali akong umalis doon upang makapagpahinga ng katawan at boses. 10am ang kasal ng Thursday. Akalain ko bang 10am na nang ako'y muling magising at pati ang kapatid kong babae ay hinatak ko na rin sa pagtugtog.
Dumating kami ng simbahan. Halos kakanta na ng opening song. Ayun... Madaling sabi.... habol na habol kami... pumipiyok pa ako nun. Malat. Kagigising. Ewan ko... Naipangako ko na kase nung isang gabi kay Madel na aattend ako ng kasal niya... at kakanta pa ako... ayun...
Subalit ito ang highlight... Kumain lamang ako ng 2 saging sa bahay sa pag-aakalang makakakain ako ng malaki sa reception. Ayun... pagdating ko, namin ng buong choir... sobra... grabe... jam pack ang tao... wala ng table at upuan... ang init pa... E may pride ako... Kami na nga nagtrabaho tapos wala man lang kahit konting special treatment... shet! at eto pa... Bakit ang mga probinsiyano, hindi pumupunta ng simbahan? Diretso kainan na!? Kapal ng mukha no? Never akong ganun... nakikain lamang sa kasalan? hindi naman umattend ng misa.... hay!
At so... may pride nga ako....since sobrang lapit ng bahay namin... umuwi ako... Ano ako? Nagmumukhang kawawa na pipila at maghihintay sa pagkain na naihain na? shet... Ipinagsaing ko ang ilang choir members na sumama sa akin sa pag-uwi. Nagluto ako ng itlog na may kamatis, corned beef, at pansit canton. Noong nakita kong kulang sa amin... binuksan ko na ang tuna. Masarap ang kain namin. Mainit na pagkain at nakatutok pa ang electric fan sa amin. Nasa sariling bahay. Malamig pa ang tubig. Pakasaya sila sa kasalan!