Kahit kaunti lang ang nakarating, sulit pa rin. Ngayon ko na lamang ulit nakita ang mga kaklase kong makukulit. Masaya ang gabing iyon kahit na umikot pa ako papuntang Quiapo going to West Avenue sa ruta ng Espana. Grabe... Baha to the max! Walang masakyan! Mainit! Umuulan! Ano na? Standing ovation pa ang mga pasahero! Wala kaseng mga sasakyang bumiyahe masyado noong araw na iyon. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman strike nun eh.
Ah basta... humalo ang amoy ng mga kapwa pasahero ng bus na iyon sa akin. Nakaitim pa naman ako. Kaya nga ba pagkarating ko bago sumapit ang Delta, pumara na ako dahil hindi ko na kayang tiisin ang paghihirap na nararamdaman ko noong panahong iyon. Malagkit. Mabaho. Maiinit. Saan ka pa?

Nag-abang na lamang talaga ako ng taxi sa tabi at ipinilit pumunta ng Dad's. First time ko sa Dad's. Hindi ako nahihiya. Bakit? Eh sino ba naman ang pupunta ng eat all you can na P600 tumataginting ang babayaran mo!? Kaya naman pagkarating na pagkarating ko ay talaga namang inupakan ko na ang lahat ng nakahilera na mga pagkain. Pinilit kong isiksik lahat ng pagkain na nakuha ko. Sa aking pagkakatanda, naka 4 na plato ako...
Hindi ko akalain na makakakain ako at halos isuka na ang pang-apat na plato. Hindi ko na kinaya. Itinigil ko. Buti na lamang at sa buong oras ng pagkain ay nakipagchismisan ako ng todohan upang matunaw kahit papaano ang aking mga kinain. Maya't maya ako kung pumila para sa pagkain. Bakit ba? Sino ba naman ang papansin sa 'yo dun? Lahat kayo iisa lang ang ipinunta, ang makakain ng malaki at sulitin ang binayaran. Ganun kasimple...